Posted in Confessions, Everyday, Yale
Kinikilig Ako
Sunday, 15 July 2012
Akalain mo nga naman, isang linggo na pala ang nakakaraan. Kay bilis ng panahon!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ma-miss ang Pilipinas. Ang pakikipagkwentuhan sa Filipino. Ang pagkain ng kanin, tinola at adobo.
Alam kong maling hanapin ang mga bagay na ito dito at mas makakatulong na maging bukas sa mga bagay-bagay upang maging lubos ang pagkatuto.
Bagamat minsan ay sinusumpong ako ng lungkot dahil malayo ako sa mga bagay at taong pinakamamahal ako, wala naman talagang dapat ipagalala dahil ligtas at masaya naman ako sa ngayon. Napakarami kong bagong nakikilala, kahit na nga ba masakit sa ulo kung minsan na makinig sa mahahaba, at mala-armalite na tiyempo ng usapan nila.
Paborito ko pa rin umupo sa ikalawang hanay sa
bandang gitna ng silid-aralan. :)
Kinikilig ako.
Di lamang isang beses na may lumapit sa akin upang sabihin na mahal nila ang mga Pilipino, na kilala nila tayo bilang masayahin, may banayad na pag-uugali at tapat na mga tao. Karamihan sa mga nakausap ko ay may matalik na kaibigan o di kaya'y nakatrabaho na mula sa mahal kong bansa.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga nakilala ko na nagbigay ng papuri sa mga Pilipino: isang medical anthropologist mula sa Italya na may nakatrabahong isang lab technician sa Sudan, Africa at doktor sa India; pinuno ng isang NGO mula sa Seattle na may malalapit na kabarkadang Pinoy; iskolar mula sa Nigeria na maraming naging kaklaseng Pilipino habang nasa Amerika; abugado mula sa Burundi na nakipag-ugnayan sa may ilan ring Pilipinong interesado sa usapin ng malawakang pag-unlad at kalusugan; peer health educator mula sa Canada na may tatay na nag-sponsor at kasalukuyang employer ng mga Pilipino; at Amerikano mula sa Boston na nanirahan at nagtrabaho sa loob ng walong buwan sa aking bansang pinagmulan.
Nakakataba ng puso na marinig na maganda naman ang mga naging karanasan sa piling ng aking mga kababayan. Para sa akin, di matatawaran ang saya na marinig ang pagmamahal at pagrespetong ito. Kay sarap namnamin ang katotohanan na ako ay Pinoy, at nananalaytay sa dugo ko.
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa, may maganda pa rin tayong hinaharap. Kung sama-sama lamang nating tutuklasin at susportahin ang mga pagkakataon kung saan maaari tayong tumulong, pasasaa't magtatagumpay rin tayo.
Kung nakikita ng ibang nasyon ang mga katangian na tunay nga namang dapat ay ipagmalaki natin, bakit hindi natin sikaping bigyang-pansin din ito?
Para sa araw na ito, yan ang wagas na panalangin ko. :)
St. Mary's Church, Yale Campus -- kung saan ako
pumunta para sa misa ngayong hapon :)
Isang mapayapang Linggo sa inyong lahat!
About Me
- Rhea Alba
- Mental Diarrhea is the online home of Rhea Alba. She aims to fill this space with little pockets of sunshine and occasionally, a few dark clouds (i.e. incohesive thoughts and rants, haha). You've been warned! =D Feel free to roam around, open your mind, and share your thoughts.
Categories
Archives
-
▼
2012
(110)
-
▼
July
(14)
- The B.I.G. Boston Move in
- Dosa and Ice Cream Night at Central Square
- Lucy, Legal Lobster and Lucky Me
- Discovering Boston's Med Mecca
- Auf Wiedersen
- Wicked Weekend at Hah-vahd
- Surrendering to Southie
- Kinikilig Ako
- I Wanna Be a Part of It... New York, New York!
- Global Health History (And a Wild Night of Dancing...
- Leaning into Discomfort
- Sitting Duck & Bowling
- First Day High
- Long Haul
-
▼
July
(14)
Popular Posts
-
This is just TOO INTERESTING not to share, hihi :) Thanks again, Mary Antonette H. Abello, for allowing me to lift this off your Facebook pa...
-
How I've been feeling lately... {Via HERE } What I try to remind myself of to bounce back.... {Via HERE } Got to keep...
-
Oh Dunedin , how do I pronounce thee? This was my biggest dilemma when J-Anne and I were deciding on whether we should visit the place or ...
-
Thank you, Maya for... ...guiding me around Boston and the US ...inspiring me to read more books ...challenging me to think more critica...
-
While waiting for our train to arrive at Harvard Station, J and I saw this artist setting up his instruments for his public performance. S...




Comments
ice
Naalala ko, noong una akong dumating sa US, bigla ko nalang Tinagalog yung isang babae na katabi ko sa canteern.
Nagsimula sa Ingles yung usapan namin, napansin ko na lang na nagTatagalog ako. Pero tumtango siya, parang sinasabi niya, "Naiintindihan ko ang iyong pighati."
Naiintindihan ko ang iyong homesickness Rhea, sa gitna ng lahat ng bago at masasayang karanasan. Di bale, isipin mo, maraming marami kang matutunan diyan na hindi mo matututunan dito. Marami kang bagong makikilala at mas lalong lalawak ang iyong mundo.
Huwag mo lang kalimutan kung sino ka at na mayroon kang bansang babalikan. :)
Rhea Alba
Salamat Ice sa paalala :) Mas magaan sa kalooban na malaman na may kaibigan na akong nakaranas nito. Tama ka, sisikapin kong matutunan kung anong kaya ko habang nandito upang mas makapagbahagi sa bayan at sa mundo.
Post a Comment